ROAD CRASH | 10, sugatan matapos magkarambola ang 6 na sasakyan sa Talisay City

Negros Occidental – Aabot sa 10 katao ang sugatan matapos magkarambola ang anim na sasakyan sa Bacolod Silay Airport Access Road sa Talisay City, Negros Occidental.

Ayon sa Talisay City Police, anim sa mga biktima ay pasahero ng multicab kabilang ang isang 2-anyos hanggang 3-anyos na bata.

Kwento ng drayber ng isang kotseng sangkot sa bangaan na si Greg Elarde, nag-overtake and isang itim na SUV kung kaya at bumangga ito sa multicab.


Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments