HULI! | 2 miyembro ng salisi gang, arestado sa Pasay

Pasay City – Arestado ang dalawa sa tatlong miyembro ng salisi gang na nambiktima sa isang customer ng restaurant sa Pasay City.

Nadakip sa follow up operation sina Richard De Vera ng GMA Cavite at Joseph Feleciano ng Valenzuela City,

Habang pinaghahanap naman ang hindi pa kilalang kasamahan nila na nakatakas sa mga pulis.


Ayon kay Pasay City Police Chief Senior Supt. Noel Flores, nasa loob ng isang Chinese restaurant ang hindi na pinangalanang biktima nang tangayin ng mga suspek ang clutch bag nito.

Umapela naman si Flores sa iba pang nabiktima ng mga suspek na pumunta sa kanilang istasyon para magsampa ng dagdag na kaso.

Facebook Comments