Binondo, Maynila – Arestado ang dalawang notoryus na holdaper matapos na dalawang ulit nanambiktima sa Binondo, Maynila.
Nakilala ang nadakip na si Kenneth Mahusay at ang kasabwat nitong isang 16-anyos na binatilyo.
Kwento ng unang biktima nito na si Marian Macasinag, nilapitan siya ng suspek saka tinutukan ng patalim sabay deklara ng holdap at papatayin siya kapag sumigaw.
Ayon naman sa ikalawang biktima ng suspek na si Winchester Ng, hindi na siya nakapalag pa dahil sa takot lalo na’t nakabantay ang kasama nitong 16-anyos na binatilyo.
Aminado anamn ang suspek sa krimen kung saan humingi ito ng tawad sa nagawa.
Napag-alaman na dati na din nakulong ang suspek dahil sa kaparehas na kaso kung saan nadakip naman ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinagbentahan ng cellphone ng biktima.