HULI | 3 Koryanong wanted sa kanilang bansa, naaresto sa

30

Pampanga – Arestado sa Angeles City, Pampanga ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration at PNP-CIDG ang tatlong Koryanong fugitives.

Kinilala ang tatlong lalaking South Korean nationals na sina Lim Jiwoong, Lee Minhan at Park Ji Seok.

Ang naturang undocumented aliens na mga Koryano ay wanted sa kanilang bansa matapos makapag-hack ng maraming messenger accounts at makapangulimbat ng 26-Million Korean Won.

Nabatid na ang naturang mga dayuhan ay nasa listahan din ng Interpol RED Notice.

Sila ay isinailalim na sa mug shots at booking procedure.

Facebook Comments