HULI! | 3 suspek na nahaharap sa kasong estafa, arestado sa Makati

Makati City – Arestado ang tatlong tao na modus na mag-recruit ng mga bata para gawing modelo pero peperahan lang pala sa Barangay Pitogo, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Dionisio, Mark Jim Ordinaryo at Kimberly Arao Pawang mga empleyado ng Jay Production.

Ayon kay Makati City Police Acting Chief Police Senior Superintendent Rogelio Simon, modus ng mga suspek na mag-recruit ng mga bata para mag-photoshoot saka papangakuan na magiging commercial model.


Aniya, humihingi ang mga suspek ng tig-limang daang piso bawat bata para umano sa assurance fee na makakapasok ang mga ito bilang modelo.

Pero nadiskubre ng mga magulang ng mga bata na modus lang ang alok ng grupo.

Dahil dito, nahaharap ang tatlong suspek sa kasong estafa.

Facebook Comments