NAKULITAN | 5-anyos na bata, sawi matapos sikmuraan ng sariling tiyuhin

Manila, Philippines – Patay ang isang 5-taong gulang na bata babae matapos sikmuraan ng sarili niyang tiyuhin sa Baseco Compound sa Maynila.

Ayon sa suspek na si Jerome Emberso, nakulitan siya sa biktimang si Gwendel Constantino kaya niya ito nasaktan.

Aminado rin ang suspek na nawala siya sa katinuan nang gawin ang krimen.


Dagdag pa ni Jerome, itinago niya si Gwendel sa computer shop dahil sa takot.

Desidido naman ang foster parent ng biktima na ituloy ang reklamong murder laban sa suspek kahit na kaanak pa nila ito.

Facebook Comments