Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang apat na mga teenager na holdaper matapos na holdapin ng mga ito ang isang taxi driver sa San Andres Bukid Manila.
Naaresto ng mga tauhan ni P/Senior Inspector Alfredo Tan Jr. San Andres Bukid PCP Commander sa pangunguna ng kanilang Team leader na si PO1 Ranny Jay Sacorum, at PO1 Julius Wei-Wei Quillope, PO1 Marvin Rey Arenas at PO1 Jomar Caliguiran ang suspek na si Rick Jann Sosing, 19 anyos residente ng Arellano Street San Andres Bukid Maynila at tatlong menor de edad na may edad na 14, 15 at 17 anyos.
Ayon sa biktima na si Reynaldo Tan 42 anyos taxi residente ng Imus Cavite sumakay ang mga suspek kaninang alas 5 ng umaga sa A. Francisco Street San Andres at nagpahatid sa Pedro Gil Street kanto ng Taft Paco Manila kung saan nagpanggap ang isang suspek na mayroong kukuning pera at inutusan ang taxi driver na bumalik pero idinaan sa maliit na eskinita sa Diamante at sakay doon tinutukan ng patalim at nilimas ang kanyang kinita sa magdamag na mahigit 1 libong piso relo at wallet pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Pero sa isinagawang follow up operation ay agad naaresto ang suspek at nabawi ang lahat ng mga nakulimbat mula sa biktima.