TIMBOG | 4 na kalalakihan na gumagamit ng iligal na droga, arestado sa Taguig City.

Manila, Philippines – Arestado ang apat na personalidad matapos na mahulihan na nagpapotsession sa PNR Site Brgy western Bicutan Taguig City.

Naaresto nina PO1 AL KHASMIR S ABDULHALIM, PO1 ALDRIN P BULAQUINA ang mga suspek na sina Allan John More 42 anyos residente ng Purok 1 PNR Site Brgy Western Bicutan Taguig City
Sherwin Ferriz 41 anyos residente ng Niyog 3 Ilaya St, Bacoor Cavite
Rengie Martin 39 anyos residente ng # 11 Family Sitio Maliwanag Brgy Western Bicutan Taguig City at
Amabel Centeno 24 anyos residente ng Purok 5 PNR Site Brgy Western Bicutan Taguig City

Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, improvised glass tooter na may lamang suspected drug residue at dalawang plastic sachets na may hinihinalang drug residue.


Nagsasagawa ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation ang mga tauhan ni P/Senior Inpector Villapana at iba pang Units ng Taguig City Police Station nang maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga ang mga suspek.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.

Facebook Comments