HULI | 6 na pulis, dalawang sibilyan arestado dahil sa pangongotong sa mga bumabiyaheng negosyante sa Nueva Ecija

Manila, Philippines – Naaresto ang anim na mga pulis at dalawang sibilyan matapos maaktuhang nangongotong sa mga bumabiyaheng negosyante sa Caranglan Nueva Ecija kaninang ala-1:20 ng madaling araw.

Sa ulat ng PNP Counter Intelligence Task Force O CITF nahuli ang mga ito dahil sa ikinasa nilang Entrapment Operation sa Checkpoint Operation ng Nueva Ecija PNP sa Digdig Caranglan Nueva Ecija.

Kinilala ng CITF ang mga naarestong Pulis na sina: SPO1 Antonito Otic,PO3 Danilo Sotelo,PO3 Ronald Buncad,PO3 Oliver Antonio,PO2 Rodrigo Edralin, at PO2 Romeo Nuñez III.


Habang ang dalawang sibilyan ay kinilalang sina Ramon Cabilangan, at Darwin Lagisma na sumasama sa checkpoint operation at nagsisilbing collector ng mga naarestong pulis.

Narekober sa pag-iingat naarestong Pulis at Sibilyan ang iba’t ibang domination ng pera at iba mga personal na gamit ng mga ito na agad na itinurn-over ng PNP CITF sa Chief of Police ng Caranglan na si Police Senior Inspector Robert De Guzman.

Nakuha rin kina SPO1 Antonio Otic and PO3 Oliver Antonio ang isang Ranger Cal. 45, isang Armscor 9mm with One Magazine each Loaded with Ammo were confiscated na iturn-over na sa Local Government Unit ng Caranglan Municipality.

Sa ngayon lahat ng mga naaresto ay nasa kustodiya na ng PNP CITF sa Camp Crame habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments