HULI! | 9 scalpers sa game 1 ng UAAP finals, arestado

Pasay City – Kalaboso ang siyam na scalper sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng mga tiket sa laro ng Ateneo de Manila University at University of the Philippines (UP).

Hinuli ang siyam dahil sa paglabag sa City Ordinance 192 na nagbabawal ng pagbebenta ng tiket sa presyong mas mataas sa opisyal nitong presyo.

Mas mataas kasi ng 10 hanggang 20 porsiyento sa orihinal na presyo ang benta ng mga suspek sa mga tiket sa UAAP game.


Ayon naman kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, target nilang mahuli ang mastermind ng mga suspek.

Nagbabala din si Eleazar na aarestuhin ang lahat ng scalper na nanamantala lalo na sa finals ng UAAP Men’s Basketball.

Ipinapayo naman ni Southern Police District Director Senior Superintendent Eliseo Cruz sa mga manonood na bumili ng mga tiket sa mga lehitimong outlet.

Facebook Comments