HULI | Babaeng naging viral noon arestado ngayon dahil sa ilegal na droga

Makati City – Arestado ang isang babae na minsan nang naging viral dahil sa pakikipaghabulan nito sa mga traffic enforcer sa Makati City matapos na mahulihan ng iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si Jamie Camille Brojan, 29-anyos na residente ng Barangay Wack-Wack, Mandaluyong City.

Sa ulat, lasing na sumakay ng taxi ang suspek at nagpahatid sa Bonifacio Global City kung saan sumuka ito at nakatulog sa sasakyan kaya at nag-desisyon ang driver na si Alex Novilla na dalhin ito sa Bantay Bayan headquarters sa Barangay Poblacion sa Makati City.


Dahil dito, tumulong ang mga otoridad para kunin ang mga gamit nito na naiwan sa isang bar at dito na nila nakita ang isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments