HULI | Barangay kapitan, arestado sa hindi lisensyadong baril sa Mariveles, Bataan

75

Mariveles, Bataan – Arestado ng mga operatiba ng CIDG ang isang barangay kapitan sa Mariveles, Bataan makaraang makuhanan ito ng hindi lisensiyadong baril sa bayan ng Mariveles, Bataan.

Sa ulat ng CIDG Bataan, kinilala ang nadakip na si Jerry Acosta, 43 anyos, punong barangay ng Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.

Nakuha sa kanya ang isang unit ng cal. 38 magazine fed llama at dalawang units ng magazines nito at apatnapu’t siyam na piraso ng bala nito.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition, ang nakatakdang isampang kaso laban sa nabangit na kapitan ng barangay.

Facebook Comments