HOLY WEEK BREAK | DFA consular offices, sarado ngayong araw

37

Manila, Philippines – Sarado simula mamayang alas-dose ng tanghali ang mga consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) pati ang Aseana office nito sa Parañaque City.

Sa advisory ng DFA, ang mga confirmed passport appointments sa hapon ng March 28 ay i-aaccommodate anumang araw matapos ang Holy Week hanggang April 14, 2018 sa kanilang original site at hindi na kailangan ng bagong appointment.

Pinayuhan din ang mga aplikante na magdala ng printout ng kanilang confirmed passport appointment kasama ang ibang requirements sa kanilang application.

Ang half-day work sa DFA consular offices ay alinsunod na rin sa memorandum circular no. 43 na inilabas kahapon ng office of the president.

Facebook Comments