Marikina City – Mistulang na-wow mali ang isang construction worker matapos nitong dukutan ang isang pulis sa Marikina City.
Hindi inakala ng suspek na si Jojo Avellana na pulis pala ang kaniyang dinukutan habang sakay sila ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng Marcos highway sa Barangay San Roque.
Napansin naman ng biktima na si PO3 Rudy Ferrancullo na nawawala na ang dalawang cellphone kaya at agad niyang pinahinto ang jeep at tinanong ang katabi nitong si Avellana.
Sa una, todo tanggi pa ang suspek pero nang tignan ang bag nito ay dito na nakita ang mga cellphone kung saan sinubukan pa nitong tumakbo pero naabutan ng nasabing pulis.
Facebook Comments