TIMBOG | Isang konduktor ng bus, arestado matapos na pagnakawan ang kanyang pasahero sa Quezon City

Manila, Philippines – Todo pagsisisi ngayon ang isang konduktor ng bus dahil siguradong matatanggal siya sa trabaho matapos pagnakawan ang pasaherong natutulog sa Quezon City.

Sa ulat, pasimpleng kinuha ng konduktor ng Dragon Bus Liner Corporation na si Charlie Camngeg ang cellphone ng lasing na biktimang si Antolin Adlawan.

Nakita naman ito ng isang pasahero na si Jayson Posadas kung saan nang komprontahin ang konduktor ay ipinahiya pa sila nito sa harap ng maraming tao.


Nanindigan naman ang saksi na si Posadas at nang tignan ang bag ng konduktor ay dito nakita ang cellphone ng biktima.

Sa presinto, pinatawad ng biktima ang konduktor kaya hindi ito nakulong pero siguradong sisipain ito sa trabaho matapos makarating ang insidente sa kanyang operator.

Facebook Comments