HULI | Dalawang ginang, arestado sa iligal na droga sa Quiapo Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang ginang matapos mahulihan ng iligal na droga sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Rosalinda Sumini at Rose Perez, na pawang residente ng Sta.Cruz, Manila.

Nasakote ang dalawa sa simultaneous police visibility at anti-criminality patrol ng Barbosa Police Community Precinct.


Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang pirasong plastic sachet nang shabu at isang set ng baraha kasama na perang pangtaya na nagkakahalaga ng 92.00 pesos.

Facebook Comments