HULI | Dalawang kilabot na snatcher, arestado sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo Manila

Tondo – Ibinida ng pamunuan ng Manila Police District na malaki ang pakinabang ng CCTV sa ikalulutas ng anumang krimen sa lungsod ng Maynila.

Itoy matapos na maaresto ang dalawang kilabot na snatcher matapos makapang-biktima ng isang call center agent at isang promo dicer sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo Manila.

Arestado ang mga suspek na sina Jerick Magpayo 29 anyos isang sidecar boy at Michael Bayut 35 anyos tricycle driver kapwa residente ng Fullon Street Tondo Manila.


Unang nabiktima ng dalawang suspek ay si Patricia Pagtakhan 28 anyos isang call center agent residente ng Cabesas Street Tondo Manila na natangayan ng cellphone sa Fullon Street kanto ng G. Perfecto Tondo Manila at pangalawang nabiktima ay si Erlice Anne Arente 23 Promodicer at residente ng R. Fernandez Street Gagalangin Tondo Manila na natangayan din ng cellphone sa Old Antipolo Street Tondo Manila.

Nahuli ang dalawa matapos ang isinagawang follow up operation ng mga otoridad nang mareview ang CCTV pero hindi na nabawi ang ninakaw nitong cellphone dahil naibenta na umano ng mga suspek.

Facebook Comments