HULI | Dalawang lalaki, arestado sa ilegal na droga sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos ikasa ang Oplan Sacleo (Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations) ng QCPD-Station 6 sa Freedom Park, Brgy. Batasan Hills.

Nakilala ang mga suspek na sina Nolly Boy Matira at Sonnylyn Rueda, na kapwa residente sa nasabing barangay.

Sa nasabing operasyon, inabutan pa ng mga pulis ang dalawang suspek na bumabatak ng shabu.


Nakuha sa kanila ang dalawang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia kung saan sa presinto napag-alamanan na may standing warrant of arrest laban si Rueda dahil sa iligal na droga.

Facebook Comments