HULI | Dalawang tulak ng ilegal na droga, arestado sa Marikina City

Marikina City -Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos isagsawa ng mga otoridad ang buy-bust oepration sa Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Michael Perez at Jose Lizardo Jr.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis sa mga suspek at nang iaabot na ang mark money na nagkakahalaga ng isang libong piso ay agad silang pinalibutan at inaaresto.


Narekober sa dalawa ang siyam na pirasong plastic sachet ng shabu kung saan inaalam na ngayon ng mga otoridad kung sino ang source ng mga ito ng iligal na droga.

Facebook Comments