NAGBENTA | Hollywood Actor Russell Crowe, ipinasubasta ang kaniyang mga gamit na nakuha noong may asawa pa ito

Australia – Ipinasubasta ni Hollywood Actor Russel Crowe ang kaniyang mga gamit na nakuha noong kasal pa siya at kasama ang misis na si Danielle Spencer.

Kasabay ng kanyang 54th birthday nagsagawa si Crowe ng isang divorce-themed auction sa Sydney, Australia kung saan tampok dito ang “Art of Divorce” auction.

Halo-halong item at movie souvenirs na kanyang nakuha habang may asawa pa siya ang ibinenta dito pero ang pinakaagaw-pansin sa mga gamit na isinubasta ni Crowe ay ang costume na kanyang ginamit sa pelikulang “Gladiator” na pumatak ng $125,000 o halos P5-milyon.


Pinag-agawan din ang ginamit nitong jockstrap sa “Cinderella Man” na nakuha sa halagang $7,000 o halos P300,000.

Maging ang kotseng ginamit sa araw ng kanyang kasal noong 2003 ay agaw atensyon rin sa subastahan.

Facebook Comments