HULI | Driver ng bus na dahilan ng karambola sa Parañaque, hawak na ng mga otoridad

Manila, Philippines – Hawak na ngayon ng Parañaque traffic Bureau ang driver ng toursit bus na Classic Leisure Bus na dahilan ng karambola ng hindi bababa sa 10 sasakyan sa Baclaran Parañaque city kaninang bago mag alas 9 ng umaga.

Ayon kay Parañaque Traffic Bureau Jerry Niño Franco nasa kustodiya na nila ngayon ang hindi pa pinangangalanang driver ng bus.

Aalamin nila ngayon kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nito inararo ang hindi bababa sa 10 sasakyan.


Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang bus kung kayat inararo ang mga nagsasakay ng sasakyan na kinabibilangan ng 1 pang bus, 4 PUJ, Uv Express, Taxi at 2 Motorsiklo.

Pero ayon kay Franco kung susuriin ang bus tila bago pa ito kung kaya’t parang malabo kung mawawalan ito ng preno.

Sa ngayon nasa 17 pasahero ang nasa San Juan de Dios hospital na nagtamo aniya ng minor injuries

Ayon sa MMDA nasa higit 20 ang sugatan sa nasabing aksidente kung saan ilan sa mga ito ay nagtamo ng major injuries.

Facebook Comments