HULI | Isang ginang, kalaboso matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa kulungan

Caloocan City – Arestado ang isang 24-anyos na ginang matapos tangkain magpasok ng iligal na droga para sa kanyang nakakulong na kinakasama sa Caloocan City.

Sa ulat, nabuko ng mga pulis ang ginang na si Ivy Nilla Velarde matapos nitong ihalo ang shabu sa kanin kung saan ibibigay niya sana ito sa kaniyang kinakasamang si Jerby Arce.

Agad na pinosasan si Velarde ng mga pulis at isinailalim sa imbestigasyon bago ipinasok sa detention cell ng police community precinct 7 ng Caloocan City Police.


Inaalam na din kung saan nabili ni Velarde ang shabu at kung sino ang nag-utos sa kaniya na dalhin ito sa loob ng kulungan.

Facebook Comments