HULI | Isang lalaking nagbebenta ng mga gamot pampalaglag, arestado sa Capiz

Capiz – Kalaboso ang isang lalaki na nagbebenta ng gamot na pampalaglag sa Teodoro Arcenas Trade Center.

Kinilala ang nadakip na si Judy Labrador, 46-anyos, residente ng Barangay Dayao, Roxas City.

Ayon sa CIDG-CAPIZ, isang concerned citizen ang nagsumbong sa kanila na may inuupahang pwesto ang suspek at nagbebenta ito ng “Cytotec Tablet” na ginagamit bilang pampalaglag.


Naabutan mismo ng mga otoridad ang suspek kung saan maliban sa Cytotec, may ibinebenta rin itong gawa sa dahon at mga ugat ng kahoy.

Aminado naman si labrador na mag-iisang buwan na itong nagbebenta ng nasabing gamot.

Facebook Comments