HULI | Isang tricycle driver, kalaboso matapos magsuot ng PNP uniform sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang tricycle driver matapos na mahuling nakasuot ng police uniform habang namamasada sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa kasong usurpation of authority, illegal use of PNP uniform at driving without license ang 18-anyos na suspek na si alyas Nico.

Nasita ang suspek nang mga totoong pulis kung saan wala itong maipakitang dokumento na nagpapatunay na kabaro nila ito at wala din itong hawak na driver’s license.


Depensa naman ng suspek na hiniram lamang niya ang uniporme sa kaniyang kaibigan dahil nabasa daw ng ulan ang suot nitong damit.

Facebook Comments