Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos gahasain ang isang 31-anyos na babaeng may problema sa pag-iisip sa Barangay Payatas, Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Jimmy Novales na todo tanggi sa akusasyon pero hinid naman maipaliwanag kung bakit ito may mga kalmot at inamin na sinaktan lamang niya ang hindi na pinangalanang biktima.
Nangyari ang panghahalay noong martes ng gabi sa loob ng isang compound na pinaparadahan ng pedicab kung saan nagulat ang pamilya ng biktima ng umuwi itong umiiyak at nanginginig sa takot.
Ilang saksi naman ang nakakita sa suspek na kasama nito ang biktima na pumasok sa compound kaya’t agad itong ipina-aresto ng pamilya habang hinihintay pa nila ang resulta ng medical report.
Facebook Comments