HULI | Lalaki, arestado sa iligal na droga at patalim sa Makati City

31

Makati City – Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga at patalim sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nakilala ang nadakip na si Neslie De Guzman na residente ng Barangay Hulo sa Mandaluyong City.

Isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng mga pulis hinggil sa iligal na pagsusugal ng “dice” ng grupo ng mga kalalakihan sa Edsa-Guadalupe Northbound kung saan nagtakbuhan ang mga ito.

Minalas naman makorner ng mga pulis si De Guzman dahil sa mabagal itong tumakbo dahil sa bitbit na patlaim na nakasukbit sa kaniyang baywang.

Facebook Comments