HULI | Lalaki, kalaboso matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa Mandaluyong City Jail

Mandaluyong City – Hindi umubra ang style ng isang lalaking bibista sa Mandaluyong City Jail nang tangkain magpuslit ng shabu.

Arestado ang suspek na si Kristoffer Klein Borromeo matapos nitong ibaon sa maliit na container na may lamang kanin ang dalawang sachet ng shabu kung saan ibibigay sana nito sa isang kaibigan na nakapiit sa loob ng bilangguan.

Napansin ng isang jail officer na kakaiba ang kilos ng suspek kaya hinalungkat niya ang dalang pagkain at doon na nakita ang mga iligal na droga.


Dahil dito, ikinulong ang suspek at inaalam na din kung sino ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments