HULI | Lalaking nagnakaw ng bisikleta, timbog sa ikinasang follow-up operation ng mga pulis sa Maynila

Manila, Philippines – Timbog ang isang lalaking nagnakaw ng bisikleta sa ikinasang follow-up operation ng mga pulis sa Singalong Street, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon, nagulat ang biktimang si Jorge Yapa nang makitang wala na ang bisikleta nito kaya at agad siyang nagpunta sa barangay hall ng 733, zone-88 para hilingin na i-review ang CCTV.

Dito na nakita ang suspek na si alyas Jose na tinatangay ang kaniyang bike na nagkakahalaga ng ₱12,000.00.


Nasakote naman ang suspek habang nakatambay ito Adriatico street kung saan aminado siya sa pagnanakaw at sinabing wala siyang pera kaya ibinenta ang bike sa halagang ₱1,500.00.

Facebook Comments