HULI | Lalaking nandaya ng mga dokumento, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mandaya ng mga dokumento sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Arthur Espinas, 50-anyos at residente ng Lemery Street, Singalong, Malate.

Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Felicitas Laron-Cacanindin ng Manila Regional Trial Court Branch 17, inaresto ang suspek dahilsa kasong falsification of public documents at malversation of funds.


Sa ngayon ay nakakulong sa ang Manila Police District Station 9 ang suspek habang nakatakda itong iharap sa korteng naglabas ng kaniyang arrest warrant.

Facebook Comments