GINANTIHAN? | Pamilya minasaker sa QC

Quezon City – Minasaker ang isang pamilya sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Kinilala ang pinatay na mag-anak na mag-asawang sina Romeo Sr. at Christine Ado, at kanilang 11 taong gulang na binatilyong anak na si Romeo Jr.

Kwento ng anak ng mag-asawang Ado, ilang buwan nang nakararaan ng may makaaway na pulis si Romeo Jr. matapos itong tutukan ng baril sa isang drug operation.


Sinampahan umano nila ng kaso ang naturang pulis at hinala ng kaanak ng mga biktima, ito ang nasa likod ng pamamaslang.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang mga bala ng 9mm na baril.

Facebook Comments