HULI | Lider ng isang investment scam group, arestado sa Albay

Albay – Arestado ang isang lalaki na lider ng isang investment scam group sa Albay.

Nakilala ang suspek na si Joel Agnabo, 52-anyos, na lider ng Agnabo investment scam sa Camarines Sur.

Sa ulat, iniwan ni Agnabo ang kaniyang pamilya sa Naga City at nagpalipat-lipat ng bahay simula nang sunod-sunod na lumabas ang reklamo laban sa kaniya ng mga investor.


Paglabas ng warrant of arrest noong Nobyembre 2017, sa bayan ng Polangui, Albay na tumira si Agnabo kung saan dito na siya nasakote ng mga otoridad.

Pinaghahananap naman ang asawa ng suspek na si Maria Cynthia, na nahaharap din sa kasong estafa.

Facebook Comments