HULI | Lider ng mga holdaper at kasama nito, arestado sa Roxas City

Roxas City – Arestado ang dalawang miyembro ng notoryus na hold-up group matapos na ma-ispatan ng mga nagpapatrolyang mga pulis sa Premier De Mayo St., Barangay 9, Roxas City.

Nakilala ang mga suspek na sina Roger Jimenez, lider ng grupo at kasama nitong si Antonio Beldia III.

Sa ulat, nakita ng mga nagpapatrolyang mga pulis ang dalawa kung saan may ipinakitang baril si Jimenez kay Beldia, kaya nilapitan nila ito.


Papalapit na ang mga otoridad nang bigla na lamang tumakbo at nagpaputok ng baril si Jimenez, ngunit naunahan ito kaya’t tinamaan sa binti habang nakorner naman ang papatakas na si Beldia.

Facebook Comments