NANGIKIL | Guro at 5 kasamahan nito, arestado sa Zamboanga Del Norte

Zamboanga Del Norte – Kalaboso ang isang guro at limang iba pa matapos silang mahlui sa entrapment operation ng mga otoridad sa Barangay Mandih, Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Kinilala ang guro na si Ma. Lina Baynosa at mga kasabwat na sina Leonides Baynosa, Felisa Baruman, Ruby Carmona, Roy Pepito at Florencio Tan-Awon.

Nabatid na si Baynosa ay nagpanggap na may connection sa Office of the President at sa Presidente ng Land Bank of Philippines.


Sinasabing nanghingi ng P15,000 ang guro sa biktimang si Gladys Bereber bilang kabayaran sa mga gastusin sa mga nilalakad nitong papeles.

Nang tanggapin ng guro ang limang libong pisong bayad at itong inaresto kung saan nakorner din ang mga kasabwat nito.

Facebook Comments