HULI | Mag-ina, nasakote sa buy bust!

Quezon City – Arestado ang mag-ina sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Balong Bato, Quezon City.

Isinagawa ng QCPD ang operasyon matapos na makatanggap ng sumbong na nagtutulak ng droga ang mga suspek.

Bago ang buy bust, nakuhanan pa ng video ang 57-anyos na ginang na nagre-repack ng shabu sa loob ng kanilang bahay.


Aminado naman ang hindi pinangalanang drug suspek na tatlong dekada na siyang gumagamit ng shabu pero bago pa lang sa pagtutulak.

Sasampahan ang mag-ina ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments