HULI! | Mga pekeng produkto nasabat ng Customs

Tondo, Manila — Tinatayang aabot sa P55-million ang halaga ng mga pekeng sigarilyo at produkto na nakumpiska ng Bureau of Customs sa raid na isinagawa sa isang warehouse sa Antonio Rivera St., Tondo, Maynila.
Isinailalim sa tatlong araw na surveillance ang naturang warehouse, makaraang makatanggap ng tip kaugnay sa mga pekeng produkto sa lugar.
Nasabat mula sa warehouse ang 120 carton ng mga pekeng sigarilyo, tatlong DVD replicating machines, nasa 300 kahon ng blank DVDs, cellphone chargers at accessories.
Pinaghahanap naman ang mga may-ari ng warehouse na kinilala bilang sina Sonny Kho at Tito Yao.
Mananatili muna sa customs ang mga nasabat na pekeng produkto para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Facebook Comments