HULI | Milyung halaga ng iligal na droga, nasabat sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang drug suspect sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanto ng Katigbak at Roxas Boulevard sa lunsod ng Maynila.

Target sa operasyon ang isang alyas Mangursi na sinasabing tulak ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi S. Ortiz, agad silang sumugod matapos magbigay ng hudyat ang isang operatiba na naiabot na ng suspek ang mga iligal na droga.


Gayunman imbis na sumuko, inagaw ni Mangursi ang bag ng isang PDEA agent na may baril kaya at napilitan siyang paputukan ng mga otoridad at tinamaan ito sa hita.

Aabot sa kalahating kilo ng suspected shabu ang narekober sa suspek na kakahalaga ng 2.5 milyong piso.

Sa ngayon inoobserbahan si Mangursi sa East Avenue Medical Center habang nasa kustodiya ng PDEA ang hindi pa nakikilalang kasabwat nito na nagsisislbing look-out.

Facebook Comments