NAGPAKAMATAY? | Anak ng dating konsehal ng Quezon City, patay nang aksidenteng mabaril ang sarili

8391

Manila, Philippines – Patuloy na iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang aksidenteng pagkakabaril sa kanyang sarili ng anak ni dating Quezon City 4th District Councilor at ngayon ay PCSO board member Atty. Jesus Manuel ‘Bong’ Suntay.

Base sa spot report QCPD-CIDU, nangyari ang insidente sa bahay ng biktimang si Lorenzo Gabriel suntay sa Mariposa Street, Barangay Bagong Lipunan ng Crame.

Sa salaysay sa pulisya ng kasambahay na si Emily Pepito, huli niyang nakita si Lorenzo Grabiel na naglilinis ng isang baril sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag.

Aniya, muli niyang pinuntahan ang biktima nang magpapatulong sana ang kapatid nito na si Jaime Suntay at dito na nadiskubre sa palikuran ng kwarto na wala na itong buhay at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Narekober ng SOCO sa lugar ang isang perazzi USA shotgun at basyo ng bala.

Isinailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung aksidenteng nabaril ang sarili o sadyang nagpakamatay.

Facebook Comments