HULI | Miyembro ng akyat bahay gang, arestado sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Arestado sa isinagawang follow up operation ang isang miyembro ng akyat bahay gang matapos na pasukin nito ang bahay ng isang family driver sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nakilalang ang suspek na si Mark Jay Atun 18-anyos residente ng Planas Ville, Barangay Tunasan Muntinlupa City.

Ayon sa biktima na si Emelito Esteban 50-anyos family driver at residente ng 181 San Guillermo Street, Brangay Putatan, Muntinlupa City.


Pumasok aniya ang suspek na armado ng patalim sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pagdaan sa kisame at kinuha ang cellphone pero nakita ito ng biktima kaya at nagpambuno ang dalawa hanggang nakatakas ang suspek.

Agad na humingi ng tulong si Esteban sa mga nagpapatrolyang tanod ng Barangay Putatan at sa tulong ng mga tauhan ng PCP 2 nagsagawa ng follow-up operation na nag resulta sa pagkaka-aresto sa suspek kung saan nabawi amg ninakaw nitong cellphone at patalim.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa sa suspek.

Facebook Comments