TIMBOG | Tatlong hinihinalang tulak sa ilegal na droga, arestado sa Makati City

43

Makati City – Bumaksak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police Station ang tatlong hinihinalang drug pusher matapos na magsagawa ng buy bust operation sa Barrio Visaya Barangay Guadalupe Nuevo Makati City.

Nakilala ang mga suspek na sina Sandih Boy Candaza, Mark Anthony Kamos at Gaudencio Alvarez matapos na magpanggap na buyer ang isa sa mga operatiba ng SDEU ng Makati police station.

Narekober sa tatlong pinaghihinalaang tulak sa ilegal na droga ang apat na plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu nang magsagawa ng buy bust operation ang mga pulis at nang iaabot na ang tatlong daang pisong mark money sa mga suspek ay agad na dinakma ng mga pulis ang tatlo.

Paglabag sa RA9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.

Facebook Comments