HULI | P30 Million na halaga ng shabu, nasabat sa bahay ng isang Chinese national sa Pampanga

Pampanga- Nasa thirty million pesos na halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service sa Pampanga sa bahay ng isang drug personality na matagal nang sinusubaybayan ng PDEA Regional Office NCR.

Nang isisilbi na ang search warrant sa bahay ni Yiye Chen sa 6-7 Jasmin Street, Hensonville, Barangay Malabanias, Angeles City , Pampanga, napansin mula sa gamit na pampailaw ng PDEA ang nalalaglag na crystalline substance na mula sa kisame.

Nang magpositibo ang pagkakaamoy dito ng K9 dogs, dito na sinira ang kisame at tumambad ang limang kilo ng shabu na nakabalot sa plastic.


Si Chen ay una nang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos makumpiskahan ng 36,584.5023 grams ng suspected shabu noong August 5, 2016.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service sa ilalim ni Director Levi Ortiz, PDEA Regional Officer NCR at ng MIG3-ISAFP.

Facebook Comments