HULI | Pito, arestado sa anti-gambling operation

Pasig City – Arestado ang pitong tao matapos mahuling nagsusugal at may dala pang droga sa anti-gambling operation sa Bambang, Pasig City.

Kabilang sa mga suspek ang number 1 drugs watch list na si Herznel Villanueva.

Narekober sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.


Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang mga hinihinalang droga.

Facebook Comments