HULI SA AKTO | 2 arestado sa pagsusugal sa Caloocan

17

Caloocan City – Timbog ang dalawang tao dahil sa pagsusugal at makuhaan ng ilegal na droga sa Barangay 156, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Oscar Gitana Jr., 30-anyos, isang driver at Jonathan Flores, 34-anyos at walang trabaho.

Nagpapatrolya noon ang mga tauhan ng Police Community Precinct 7 sa Sampaguita Street nang maaktuhang ang mga suspek na nagka-acara y cruz.

Nakumpsika sa kanina ang 220 pesos at nang kapkapan ay nakuhaan ang mga ito ng dalawang pakete ng suspected shabu.

Kasong paglabag sa PD. 1602 at RA. 9165 ang isasampang kaso sa mga arestadong suspek.

Facebook Comments