ROAD CRASH | Motorcycle rider, sugatan matapos sumalpok sa pader

13

Manila, Philippines – Sugatan ang isang motorcycle rider matapos salpukin ang pader sa V. Mapa Extension, Barangay 601, Sta. Mesa, Maynila.

Inoobserbahan na sa ospital ang biktima na nakilala base sa mga ID na nakuha rito na si Anderson Alejano at taga Novaliches, Quezon City.

Binabaybay noon ni Aldiano ang kahabaan ng V. Mapa galing Mandaluyong nang sumalpok ang minamaneho niyang Honda Beat sa pader malapit sa Don Bosco College.

Nabatid na madilim sa pakurbang lugar kaya posibleng hindi niya napansin ang pader.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung mabilis ang pagpapatakbo ng biktima kaya ito sumalpok sa pader.

Facebook Comments