HULI SA AKTO | 3, timbog matapos maaktuhang nagpo-pot session sa Makati

61

Makati City – Arestado ang tatlong indibidwal sa isang just beds model sa Kalayaan Avenue, Guadalupe Nuevo, Makati City makaraang maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Makati police.

Ayon kay Senior Superintendent Roger Simon, hepe ng Makati City Police, agad na rumispunde ang mga otoridad matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa pot session na isinasagawa ng mga suspect na sina Jerome Ascora, 25-anyos; Renz Aganio, 30-anyos at Princess Talino, 22-anyos.

Na-recover sa mga ito ang 13 malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P90,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, posible umanong nagtutulak rin ang mga ito at ginagamit ang kuwarto sa motel sa kanilang transaksyon.
Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments