MAY FOREVER | Priyanka Chopra, Nick Jonas – ikakasal na!

63

Ikakasal na ngayong weekend ang 36-anyos na Indian actress na si Priyanka Chopra sa 26-anyos na dating Disney star na si Nick Jonas sa pinakaengrandeng palasyo sa Western Indian Heritage City.

Huwebes nang magsimulang magdatingan sa Jodhpur, India ang mga kamag-anak ng magkasintahan.

Dumiretso ang mga ito sa Umaid Bhawan Palace, kung saan gaganapin ang dalawang araw na seremoniya ng kasal.

Ang palasyong ito rin ay itinuturing na ika-anim na pinakamalaking private residence sa buong mundo.

Ayon kay Chopra, ang kasal ay gagawin sa dalawang paraan, isang traditional Hindu service at isang Christian wedding na pamamahalaan ng ama ni Jonas.
Ilan sa mga kilalang personalidad sa Bollywood na naimbitahan sa kasal ay sina Dwayne Johnson, Black Panter star Lupita Nyong’o at ang Talk Show host na si Kelly Ripa.

Si Chopra at Jonas ay na-engage ngayong taon, matapos magtagpo sa isang Oscar awards noong 2017.

Kilala si Chopra bilang isa sa mga pinakasikat na aktres sa Bollywood at bida rin sa Bollywood hit series na Quantico.

Habang ang singer/songwriter na si Jonas naman ay kilala sa mga pagganap noon sa Disney films at ilan sa mga pinakasikat na kanta nito ay Jealous, Chains at Close.

Facebook Comments