HULI SA AKTO | 6, arestado sa iligal na droga sa Taguig City

Taguig City – Kulong ang anim katao kabilang ang isang babae matapos mahulihan ng iligal na droga sa VP Cruz Street, Lower Bicutan, Taguig City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Brian Diel, Lester Malaluan, Versilito Paz, John Alfred Umang, Johnard Entila at Celeste Manglang.

Sa ulat, natiyempuhan ng mga otoridad ang mga suspek na nagkukumpulan sa nasabing lugar at nang siyasatin ang mga ito, nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.


Aminado naman sila na gumagamit ng iligal na droga pero mariin itinanggi na nagbebenta sila nito.

Facebook Comments