KALABOSO | Estudyante, arestado sa buy-bust operation sa Marikina City

47

Marikina City – Timbog ang isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina Police.

Nakilala ang suspek na si Mark Joseph Regaspi, 20-anyos, na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng high grade marijuana na kilala sa tawag na “kush”.

Nahuli si Regaspi sa operasyon sa Paraluman Street, Barangay Parang kung saan napagkasunduang ganapin ang transaksyon sa pagitan ng pulis na nagpanggap buyer at ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang 3 piraso ng plastic zip lock na naglalaman ng marijuana o “kush”, isang improvised tube pipe, P1,000 na ginamit bilang buy-bust money at isang coin purse.

Facebook Comments