HULI SA AKTO | Apat na tao, arestado sa pagpa-pot session sa loob ng sementeryo sa Pasay City

Pasay City – Hindi na nakapalag pa ang apat na indibidwal matapos mahuling nagpa-pot session sa loob ng Pasay City Cemetery.

Ayon sa Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nag-dodroga sa loob ng sementeryo.

Pagdating ng mga pulis sa loob ng sementeryo, nakita ng mga itong gumagamit ng shabu ang mga suspek na may edad 20-anyos pataas ang tatlong lalaki at isang babaeng suspek.


Narekober sa kanila ang isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments