HULI SA AKTO | Apat na tao, timbog matapos maaktuhang nagsusugal at mahulihan ng iligal na droga

Manila, Philippines – Timbog ang apat katao matapos mahuli sa aktong nagsusugal at makuhanan pa ng iligal na droga sa Trinidad Street kanto ng Gonzalo Puyat Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Zenandro Calma, Jay Aramon, Rosemarie Reyes at Cathy Aset.

Rumoronda ang mga pulis ng Miranda PCP nang maispatan ang mga suspek na naglalaro ng “Cara y cruz”.


Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu kung saan aminado sila na gumagamit ng iligal na droga pero mariin itinanggi na nagbebenta sila nito.

Facebook Comments