HULI SA AKTO | Driver, kalaboso matapos maaktuhang kinakarga ang iligal na pinutol na punong kahoy

17

La Union – Kalaboso ang isang driver matapos maaktuhang naghahakot ng mga kahoy na iligal na pinutol mula sa gubat ng Sitio Alipang, Barangay Tavora, Pugo, La Union.

Hindi na nakaporma pa ang suspek na si Eric Sumabac, 37-anyos matapos siyang palibutan ng mga otoridad.

Nakakumpiska ang mga otoridad ng halos 210 board-ft. na tistis na kahoy ng mahogany na nagkakahalaga ng P10,500.00.

Todo tanggi naman ang suspek sa paratang at sinabing napag-utusan lamang siya na ibiyahe ang mga kahoy.

Facebook Comments